Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun shot

Negosyante nakaligtas sa ambush

HIMALANG nakaligtas mula sa tiyak na kama­tayan ang isang lalaking negosyante na tinam­bangan at pinagbabaril ng riding in tandem sa Tondo, Maynila, habang papauwi, kahapon.

Pinsalang fracture sa magkabilang kamay ang nakadale sa biktimang si Ricardo Papa, 45, nego­syante at residente sa Tandang Sora, Quezon City, na nilapatan ng lunas sa Mary Johnston Hospital.

Nakatakas naman ang mga suspek na inila­rawang kapwa nakasuot ng puting T-shirt, itim na short pants, at helmet.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD) Moriones Police Station 2 (PS-2), dakong 7:40 pm, 14 Hunyo nang maganap ang insidente sa Pier 2, IBP Road, Tondo, habang sakay ang biktima ng kanyang itim na Nissan Narvana.

Ayon kay P/Cpl. Richard Panaga, may hawak ng kaso, pauwi ang biktima at papalabas sa compound ng kanyang opisina, nang biglang harangin ng mga suspek at agad pinagbabaril, saka mabilis na nagsita­kas.

Agad naka­pagres­ponde ang mga tauhan ng Delpan Police Com­mu­nity Precinct (PCP) at isinugod sa Mary John­s­ton Hospital ang biktima upang mala­patan ng lunas ang fracture sa magkabilang kamay.

Masusing iniimbes­tigahan ng mga awtori­dad ang insidente upang matukoy motibo ng pamamaril.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …