Thursday , December 26 2024

Cayetano ‘di lang kalipikado pinakakarapat-dapat mamuno sa House

KUNG susuriing mabuti, si Congressman-elect Alan Peter Cayetano na siguro ang pinakakarapat-dapat at may kakayahan na maging bagong Speaker of the House.

Noon pa man ay subok na ng panahon at napa­tu­nayan na ni Cayetano kay President Rodrigo Duterte na mayroon siyang kakayahan na gampanan ang trabaho at kaya niya itong tapusin na may malinaw at maayos na resulta.

Kagaya noong 2016, naibigay ni Cayetano ang napakalaking boto ng noo’y Davao mayor sa resulta ng presidential election sa Taguig, ang bailiwick ng mga Cayetano, kompara sa mga nakalabang kandidato.

Tatlong taon ang nakalipas, ang mga kandidato naman ng Hugpong ng Pagbabago na binuo ng Presidential daughter na si Sara ang nanguna sa Senate race sa Taguig.

Walang duda na si Cayetano na siguro ang tamang mapili. Bakit ‘ikan’yo? Kahit na sa ibang bansa, naipagtanggol ni Cayetano ang Presidente sa harap ng international community sa war on drugs ng gobyerno. Hinarap din niya bilang isang magiting na public servant ang kasong isinampa sa kanya at kay Presidente Duterte ni Atty. Jude Sabio sa international courts.

Sa character ni Cayetano, napatunayan na rin niya ang sensiridad sa pagsisilbi sa bayan.

Nagpatuloy si Cayetano na ipatupad ang good governance sa pamahalaan at itinakwil ang corruption bilang congressman at senator.

Hinarap din nang buong tapang ni Cayetano ang mga maimpluwensiyang tao at inimbes­tigahan at isiniwalat ang mga maanomalyang transaksiyon sa pamahalaan man o pribadong sektor.

Ang patunay nito, hindi nadawit ang pangalan ni Cayetano sa kahit na anong kon­trobersiya kasama na ang sinasabing nagaganap na vote-buying scheme umano sa House of Representatives.

Sa mga ulat na naglabasan, ang kampo ni Rep. Martin Romualdez ay nag-alok umano ng P500,000 sa bawat kongresista na boboto sa kanya samantala dinoble naman ni Rep. Lord Allan Velasco ang presyo sa bawat botong makukuha sa pagka-Speaker.

Sa track record ng kakayahan at experience, walang duda na si Cayetano ang nangunguna sa lahat ng mga nagnanais na maging Speaker.

Ang incoming Taguig congressman, na nanalo sa pamamagitan ng landslide noong May 13 polls, ay may malawak na experience sa parehong local at national politics.

Si Cayetano ay nanungkulan bilang konse­hal, vice mayor, at three-time congressman. Siya rin ay naging two-time senator ng bansa.

Makikita natin base sa kanyang karanasan, siya ay mabisang tulay sa pagitan ng House at ng Senado na siguradong mas mapapabilis ang pagpapatupad ng mga plano at mithiin ng administrasyon para sa ikagaganda ng bansa.

Si Cayetano ay naging miyembro na rin ng Gabinete, na ibig sabihin ay mayroon siyang link sa pagitan ng legislative at executive branches ng gobyerno.

Kayang-kaya rin niyang gampanan ang papel bilang representante ng House at ng gobyerno sa mga international arena. Dahil ito sa kanyang experience bilang naging top diplomat sa Department of Foreign Affairs.

E kung ganyan ang track record ng isang mambabatas, gaya ni Alan Peter Cayetano, may hahanapin pa bang iba?

Sabi nga nila, wala nang iba, siya ang karapat-dapat na maging susunod na House Speaker.

Wanna bet?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *