Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Loren ‘komedyante’ — ATM

PINAGTAWANAN ng  Anti-Trapo Movement (ATM) ang pahayag ni  Senator Loren Legarda na dahil sa delicadeza ay hindi siya  lumahok sa botohan para sa super franchise ng kanyang anak na minadaling aprobahan ng senado.

“The Constitution prohibits her from having direct or indirect interest in a franchise granted by the Government. It is established that her being the mother of the franchisee’s owner gives her indirect interest in the franchise. That prohibition applies whether she abtains from voting or not, So, Legarda’s abstention doesn’t matter,” paliwanag ng ATM.

Nauna nang sinabi ni Legarda na siya ay nag-abstain sa pagboto sa bill dahil sa delicadeza, na nagbigay ng 25-year franchise sa Solar Para Sa Bayan Corporation (SPSBC), isang power firm na kontrolado ng kanyang anak na si Leandro Leviste.

Ayon sa ATM, hindi isyu ang pag-abstain ng senadora kundi ang kanyang  paglabag sa Konstitusyon, na nagbabawal sa mga mambabatas na direkta o hindi direktang pagkakaroon ng sobrang interes sa goverment proceedings hinggil sa aplikasyon ng prankisa.

Magugunita na noong Disyembre, agad nagsampa ng reklamo ang ATM sa Senate Committee on Ethics and Privileges, ilang araw matapos aprobahan ng House of Representatives ang  franchise application ng SPSBC.

Bukod sa ipinagbabawal kay Legarda ang pagpapakita ng interes sa nasabing prankisa, sinabi ng ATM na ang staff ng senadora ang palagiang nagpa-follow-up sa progreso ng aplikasyon ng franchise ng anak nito sa House Committee on Legislative Franchises.

Lumalabas na hindi inaksi­yonan ng Senate Committee on Ethics and Privileges na pinamu­munuan ni Senator Manny Pacquio ang reklamo ng ATM at sa halip ay sumali sa pag-aproba ng naturang prankisa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …