Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
MASUSING sinisiyasat ng Manila Police District - Explosive Ordnance Division ang loob ng Yogurt Tea House sa Gastambide St., Sampaloc, Manila matapos sumabog sanhi ng gas explosion na ikinasugat ng pito-katao kabilang ang 3-anyos na bata. (BONG SON)

6 sugatan, ospital at iba pang gusali napinsala sa pagsabog sa tea house sa Maynila

SUGATAN ang anim katao sa nangyaring pagsabog sa Maynila kahapon, Linggo ng umaga.

Natunton ang pinagmulan ng pagsabog sa Yogurt & Teahouse sa Gastambide Street, Sampaloc, Maynila.

Apektado rin sa pagsabog ang katapat nitong Jashley Hydro Refilling Station at ang mga kalapit na gusali.

Nasira ang kanilang roll-up na pintuan, habang nabasag ang glass windows ng Mary Chiles General Hospital sa tapat ng mga establi­simi­yentong nasira.

Napinsala rin ang anim na sasakyan na naka-park malapit sa pinangyarihan ng insidente.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Manila Police District’s Explosive and Ordnance Division, posibleng nag-leak ang liquefied petroleum gas (LPG) tank sa yogurt place.

Nabatid, naamoy pa rin ng mga awtoridad ang LPG nang makarating sila sa lugar.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …