Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Garapalan sa Speakership… Vote buying suportado ng tycoons

DESMAYADO ang isang mamba­batas sa aniya’y lantarang pagpo­pondo ng isang business tycoon sa isang top contender sa House Speakership sa pamamagitan ng panunuhol o vote buying sa mga kongresista para makuha ang kanilang boto.

Sinabi ni Alliance of Concerned Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio hindi na bago ang isyu na may malalaking negosyante ang nasa likod ng pagpopondo sa mga politiko.

Ang ganitong sistema ay totoo hindi lamang sa gapangan para sa House Speakership kundi ma­ging sa Senado at sa Presidential.

Ngunit ang naiiba umano ngayon ang gara­palan at wala nang pagku­kubli na pagpa­pahayag ng suporta ng mga tycoon sa pama­magitan ng lantarang vote buying na aabot sa ilang milyong piso.

Una nang kinompir­ma ni dating House Speaker Pantaleon Alva­rez ang P1 milyon kada kongresista bilang lobby money para sa speaker­ship race sa 18th Congress.

Hindi man pinangala­nan ni Alvarez ang top contender na bumibili umano ng boto ng mga mambabatas ay lumu­tang ang pangalan ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na kilalang malapit kay San Miguel Corp President Ramon Ang.

“Rep. Velasco has the backing of Ramon Ang, whose San Miguel Corpo­ration business empire has strategic interests in power, transportation, infrastructure, agricul­ture, among others,” pahayag ni Tinio.

Dagdag ni Tinio, kung mananalo si Velasco sa tulong ni Ang, naka­babahala ito dahil tiyak na mananaig ang interes ng tycoon sa mga polisiya imbes ang kapakanan ng mamamayan ang mauna.

Inamin ni Tinio, may naririnig silang impor­masyon ukol sa sina­sabing suhulan na sa Kamara at kung may katotohanan ang sinasa­bing imbitasyon ni Velas­co sa mga mambabatas.

Inimbitahan umano ni Velasco na dumalo sa isang pulong ang mga mambabatas para roon ipamudmod ang P1 milyon.

Sinabi ni Tinio na hindi siya imbitado sa nasabing pulong.

HATAW News Team

WALA AKONG
KINALAMAN
SA BAYARAN
SA SPEAKERSHIP
— VELASCO

MARIING itinangi ni Marinduque Rep. Lord Alan Velasco na may kinalam siya sa sinabing bayaran sa Speakership sa Kamara.

Ayon kay Velasco, wala naman siyang perang ipamimigay sa mga mam­babatas at ang tanging maibibigay niya sakaling mahalal bilang speaker ay matatag na lehislatura na magmumula sa mga miyembro ng Kamara.

Isa, aniya, siyang “consensus builder” na makikinig sa suhestiyon at rekasiyon ng mga mambabatas.

“The leadership style of the aspiring Velasco? I just want to offer my colleagues stability in the leadership. You get stability through respect and support of your colleagues.  I have known them for a couple of years already, and they know I am a friendly guy, I listen to people,” ani Velasco sa isang interbyu sa telebisyon.

“So my type of leadership? I will be a consensus builder. I will be a listening speaker. On top of listening, I will be very decisive after,” aniya.

Sakaling maihalal siya bilang speaker, nangako si Velasco sa mga kasa­mahan na magiging pantay-pantay ang pagtrato sa bawat mi­yem­­bro ng Kamara ano pa man ang kanilang partido at “political affiliation.”

“My first promise to my colleagues, nobody will get a zero budget. I will not slash any budget that’s allotted to their district. I am a district congressman; I know how important it is to have a budget for my district because each district has its own needs. So definitely, I will have to protect the budget for each district of each congressman,” paliwanag ni Velasco.

Aniya, nag-isip siyang tumakbo bilang speaker dahil gusto niya ng pagbabago sa Kamara.

“I think the youth should be given a chance. Everyone yearns for change. So why not put leaders who are young so we can see if really, we can impose change?” ani Velasco.

Pangungunahan niya, umano, ang pagpasa ng mga panukalang nakasa­ad sa legislative agenda ng Pangulo lalong-lalo na ‘yung may kaugnayan sa ekonomiya at pagtataas ng antas sa buhay ng ordinaryong Filipino.

(GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …