AMINADO si Senate President Vicente Tito Sotto III na malabo nang maipasa ngayong 17th Congress ang panukalang death penalty, charter change at karagdagang buwis sa sigarilyo.
Aniya, sa natitirang 9 session days malabo nang maipasa ang death penalty at panukalang charter change patungo sa Federalismo.
Ayon kay Sotto, sa bahagi ng karagdagang buwis sa tobacco marami pang mga kuwestiyon ang ilang mga senador sa committee level pa lamang.
Bukod aniya ang mga kuwestiyon ng mga senador sa Department of Finance na matatagalan ang oras sa interpellation.
Sa kabila nito, tiwala si Sotto na maihahabol o maipapasa ang anti-terrorism bill, security of tenure bill, anti-wiretapping bill, lowering of the age of criminal responsibility, NEDA Charter at iba pang local bills.