Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

5-anyos nene isinilid sa bag na sako matapos saksakin at tusukin ng icepick (Sa Laguna)

SINAMPAHAN ng pulisya ng kasong murder ang suspek sa karumal-dumal na pagpaslang sa isang 5-anyos batang babae sa bayan ng Sta. Cruz, lalawigan ng Laguna.

Kinilala ni P/Maj. Jojo Sabeniano, tagapagsalita ng Laguna police, ang suspek na si Glenn Ford Manzanero, 30 anyos.

Kinasuhan si Manzanero dahil sa pagpatay sa nasabing bata na noong Linggo pa naiulat na nawawala sa Barangay Patimbao.

Ayon kay P/Col. Armie Agbuya, hepe ng Sta. Cruz police, huling nakita ang bata habang naglalaro sa labas ng kanilang tahanan at nakita ng ilang testigo na umalis kasama ang suspek.

Nabatid na inalok ng suspek ng maiz con hielo ang biktima upang sumama sa kanya at hindi nag-atubiling sumunod dahil kakilala siyang kapitbahay nila.

Sinimulang hanapin ng mga pulis ang batang biktima matapos isumbong ng kaniyang ina, isang kasambahay, sa pulisya na nawawala ang anak.

Dagdag ni Agbuya, pasado 9:00 pm nang isang kaanak ng suspek na si Manzanero ang nag-ulat na nakita niya umano ang napaslang na biktima sa loob ng kanilang kusina na nakasilid sa loob ng isang malaking kulay pink na bag, gawa mula sa sako.

Ayon sa kaanak ng suspek, may mga saksak ng kutsilyo at ice pick ang leeg ng biktima.

Tinanong umano niya si Manzanero kung ano ang nasa loob ng bag at sinagot naman ng suspek na may babae umano sa loob nito.

Dinakip ng mga pulis si Manzanero na inakong siya ang gumawa ng krimen at sinabing sabog lang siya umano sa shabu nang dukutin ang biktima.

Samantala, hinihintay pa ng pulisya ang resulta ng awtopsiya upang malaman kung ginahasa rin ang biktima.

(BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …