Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Passenger vessel, tumaob sa Davao City… Kapitan, 45 turista, 4 pa iniligtas ng Coast Guard

NAILIGTAS ng Philippine Coast Guard ang 50 pasa­herong sakay ng isang chartered vessel na nama­tayan ng makina at tumaob ilang sandali matapos magla­yag mula sa Sta. Ana wharf sa lungsod ng Davao ban­dang 7:55 am, kahapon Linggo, 18 May0.

Ayon kay P/SSgt. Sevner Neri, imbestigador ng Sta. Ana police station, sakay ng tumaob na bangka ang 45 turista, 4 miyembro ng crew, at ang kaptian ng Sam Chris­to­­pher Vessel.

Patungo umanong isla ng Talicod sa Samal nang bigla itong tumaob ilang minuto pag-alis sa Sta. Ana wharf.

Dagdag ni Neri, sumabit ang isang lubid sa elesi ng bangka sanhi ng pagka­matay ng makina at pagtaob nito.

Gayonman, nailigtas na ang lahat ng 50 nitong pasa­hero pasado 8:00 am, nitong Linggo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …