Monday , November 18 2024

Kris, nagbigay ng inspirational message kay Isko Moreno

NAKATUTUWA naman si Kris Aquino na kahit naka-bed rest at nagpapagaling sa mga pasa na nakuha niya sa aksidenteng pagkatumba niya malapit sa kanyang higaan ay nagawa pa ring makapagsulat ng inspirational message para sa bagong halal na Mayor ng Maynila na si Isko Moreno. Hiling kasi ito ng manager ni Isko na si Daddie Wowie  Roxas, na close kay Kris. Sigurado kasing ikatutuwa ito ni Isko. Ipinadaan ni Daddie Wowie ang request niya sa kasamahan namin sa panulat at malapit na kaibigan ni Kris na si Dindo Balares. 

Malugod namang tinupad ni Kris ang hiling ni Daddie Wowie. Ipinadaan din ito kay Kuya Dindo, na isinulat naman niya sa kanyang kolum. Sa pahintulot ni Kuya Dindo, nais din naming ibahagi rito sa Hataw ang inspirational message ni Kris kay Isko:

Hindi ko ide-deny na mataas ang respeto ko sa dalawang nakalaban ni Mayor-elect Isko. Pareho silang naging matalik na kaibigan ng mom ko. Buo pa rin ang mataas na pagtingin ko kay President Mayor Erap & Mayor Lim. Pero bata ang bansa natin.

“Sa huling research ko, ang median age ng ating population ay nasa 24 years old. Ang laking lamang niyon kompara sa economic superpowers ng Asia tulad ng Japan, China, and South Korea.

“Ang ganda ng renovation at buffet ngayon sa Manila Hotel. Pero ang dami pang puwedeng gawing tourist destinations — sa Bangkok naging must visit ang Chatuchak na puwedeng-puwedeng magawa sa Divisoria, sa Taipei meron silang nightly food market, ‘pag nagpunta sa Europa iniikot ka sa different places of worship — kumpleto sa Maynila ang Catholic Church, Chinese Temple, Muslim & Hindu places of worship… marami na kaming walking tours na nagawa abroad ‘pag medyo palubog na ang araw ‘tapos dadaan sa 3 or 4 na restaurants para tumikim ng pakonti-konti ng mga special dishes ng lugar.

“Hindi mapapahiya ang Pinoy dahil hindi tayo mauubusan ng chika. Siguro dahil Gen X pa si Mayor, alam niya ang importance na magkaroon ng clearly marked INSTAGRAM-able spots. Dahil ngayon kung hindi nai-post, hindi nangyari. Hindi yata fair na ang bulk ng tourists kung nasa Metro Manila, Parañaque at Pasay ang inuuna. When Manila is the richest when it comes to history.

“Lumaki si Mayor Isko sa Maynila at hangarin niya na mapaganda at mapaunlad ang kanyang pinagmulan. One man alone cannot do it, and as a Filipino I believe Manila is symbolic of the Philippines. Masuwerte akong tumira sa Arlegui mula 1986 hanggang 1992. At kung gusto ni Mayor Isko nagvo-volunteer na akong mag-host ng VISIT Manila & Welcome to Manila AVP na puwedeng i-upload sa FB para maengganyo ang mga balikbayan pati na ang mga millennials na lalong makilala ang capital city ng ating bansa.

Mayor Isko has the unique opportunity to make all of us see Manila through fresh eyes, and eyes that truly love his city. His is an inspiring life story that can very well mirror the resurrection of Manila to the glory she deserves.

“He can also become our first truly environmentalist mayor — dahil ang Obama White House nagamit nila ang mga gardens para magtanim ng gulay, hindi ko alam kung may puwesto sa Rizal Park para gawin ito pero maraming maliliit na ‘playground’ na napabayaan na.

His overwhelming mandate of support gives him the liberty to create innovations that will make a lasting impact and that is also the gift of youth — you still have the time and passion to make a true change for a better & brighter Manila and ultimately, a Philippines we deserve.”

ni GLEN P. SIBONGA

About Glen Sibonga

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *