ANG Komisyon sa Wikang Filipino sa pakikipagtulungan sa La Consolacion College Bacolod ay magsasagawa ng Pambansang Kongreso sa Katutubong Wika na gaganapin sa SMX Convention Center, Lungsod Bacolod, Negros Occidental mula 19-21 Agosto 2019.
Ang Kongreso ay tumutugon sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wikang Filipino at mga katutubong wika. Ito ay magtatampok sa pangkalahatang estado ng mga katutubong wika sa Filipinas at sa halaga ng adyendang mabubuo sa pangangalaga nito. Ang tunguhing ito ay lubos na makatutulong sa pagpapataas ng kamalayan na unti-unting hihimok sa pakikisangkot sa pagpapasigla ng mga katutubong wika.
Layunin nitong maitampok ang halaga at pangkalahatang estado ng katutubong wika at matalakay ang mga paraan sa pagpapaunlad at lalo pang pangangalaga bilang mahalagang aspekto ng ating identidad bilang isang mamamayang Filipino. Magkakaroon ng talakayan hingil sa kahalagahan ng katutubong wika bilang pundasyon ng “intangible cultural heritage” at daluyan ng karunungang-bayan.
Bukas ang seminar sa mga guro, mananaliksik, manunulat, mag-aaral, ahensiyang pamahalaan, organisasyong di-pampamahalaan o NGO, at sinumang may interes hinggil sa pag-aaral sa katutubong wika at sa mga paraang magpapatibay at magpapasigla bilang pundasyon ng intangible na pamanang kultura ng sambayanang Filipino.
*May 400 slot lamang kaya ‘first come, first serve’ ang panuntunan sa pagtanggap ng kalahok.
Maagang pagrerehistro (early registration) P2,400.00
Para sa Senior Citizen, PWD, at estudyante at maagang magpaparehistro P2,160.00
Panahon ng maagang pagpaparehistro 22 Abril – 19 Hulyo 2019
Regular na rehistrasyon P3,000.00
*Senior Citizen at PWD* P2,400.00
* Estudyante (undergraduate) P2,400.00
Panahon ng regular na rehistrasyon 20 Hulyo – 19 Agosto 2019
*Kailangang magpakita ng ID
Paraan ng Pagbabayad
- Ideposito ang halaga sa: Pangalan ng Account: Komisyon sa Wikang Filipino Numero ng Account: 1512-1036-30 Banko: Landbank of the Philippines Branch: Malacañang
- Ipadala ang kopya ng deposit slip sa [email protected]. Kung senior citizen, PWD, at estudyante, kasamang ipadala ang ID. Dalhin din ang deposit slip sa seminar.
- Para sa regular na pagbabayad, maaaring sa unang araw ng kongreso o ideposito sa bank Account ng KWF.
Para sa iba pang detalye, maaaring kontakin ang sumusunod: Email: [email protected]
Cellphone: 0927-685-6786 (Globe) / 0942-7365283 (Sun) Landline: (02) 252-1953