Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vote-buying sa Albay talamak

DESMAYADO ang ilang residente ng District 3 sa Albay kasunod ng balitang isang malawakang vote-buying ang kasalukuyang ginagawa ng kampo ni Fernando Cabredo, kandidatong congressman.

Ang vote buying ay posibleng maparusahan ng pagkabilanggo ng isa hanggang anim na taon.

Isang barangay chair­­man ng nasabing distrito, ang nagsabing namahagi ang kampo ni Cabredo ng P500 bawat botante upang maka­kuha ng suporta sa 23 Mayo 2019 midterm elections.

“Inalok din ako ng kampo ni Cabredo ng malaking halaga. Hindi ko tinanggihan. Ang sagot ko lang sa kanila ay una­hin ninyo ang mga tao sa aking nasasa­ku­pan,” pagbubunyag ng bara­ngay chairman na naki­usap na huwag banggitin ang kanyang pangalan.

Magugunitang si Cabredo ay nahaharap sa isang disqualification case sa lokal na tang­gapan ng Commission on Elections (Comelec) sa lalawigan ng Albay.

Batay sa reklamo, si Cabredo ay hindi kalipi­ka­dong tumakbo sa 3rd District ng Albay sapag­kat siya’y bomoto noong Oktubre 2018 sa bara­ngay election sa 1st District kaya hindi pa residente ng ikatlong distrito.

“Kailangan ideklara ng Comelec na disquali­fied si Cabredo sapagkat hindi siya residente ng District 3,” giit ng bara­ngay chairman.

Ayon sa barangay chairman, pera-pera ang labanan sa Albay at dito kumakapit ang mahihi­rap at maraming walang hanapbuhay.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …