Wednesday , December 25 2024

Mar Roxas ‘bumulusok’ sa survey

PATULOY ang pagbag­sak ng rating ni Otso Diretso Senatorial bet Mar Roxas batay sa inilabas na resulta ng iba’t ibang survey para sa magic 12 ng May 2019 senatorial election.

Hindi nakuhang uma­ngat sa rating o maka­pasok man lang sa Magic 12 ni Roxas batay sa mga survey ng Pulse Asia at Social Weather Station.

Sa pinakahuling sur­vey ng Pulse, nalaglag sa number 16 ang pangalan ni Roxas na nakakuha ng 31.3 percent voter sup­port, mababa kompara sa nakuha niyang 39.8 percent support noong poll survey ng 24-28 Pebrero.

Ang pagbulusok ng rating ni Roxas ay bunsod na rin ng mga napaba­litang issue laban sa kan­ya.

Kamakailan, kumalat ang balita na dumidis­tansiya na sa grupo ng Otso Diretso at tila nagsasarili na sa panga­ngampanya si Roxas.

Ayon sa netizen na si Mike Dela Paz , dumidis­karte nang mag-isa at tila tinatraydor na ni Roxas ang kanyang mga kasa­ma­han sa Otso Diretso sa pangangampanya sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sa isang You tube comment na ginawa ni Dela Paz sinabi niyang kapansin-pansin ang pagsasarili ni Roxas sa pag-iikot sa iba’t ibang lugar upang manuyo ng boto nang hindi kasama ang iba pang kandidato ng Otso Diretso.

Hindi rin napigilan ni Dela Paz ang magko­mento na kitang-kita uma­no ang paglayo ni Roxas sa Otso Diretso candidates dahil ayaw niyang madiretso sa imburnal o malaglag sa kawalan.

“Sorry, sa poso negro ang punta mo,” ani De Paz sa kanyang komento sa Youtube video ni Roxas.

Bukod kay Roxas, ang iba pang kandidato ng Otso Diretso ay sina dating Solicitor General Florin Hilbay, ex-Quezon Rep. Erin Tañada, civic leader Samira Gutoc, election lawyer Romulo Macalintal, Sen. Bam Aquino, Rep. Gary Ale­jano at Chel Diokno.

Hindi naman nakaka­limutan ng netizens ang pamomolitika ni Roxas noong kasagsagan ng Tyhoon Yolanda kaya anila hindi makakukuha ng boto si Roxas mula sa kanila.

“Ayaw ko nang iboto ang taong ‘yan. Hindi ko nakakalimutan ang gina­wa niya noong Yolanda. Mas inisip pa talaga ang politika kaysa bayan,” ayon sa isang Realcindy Dadrana.

Bukod sa hindi pag­sama sa kampanya, nag-iba rin ng kulay na dina­dala si Roxas. Kung dilaw ang kulay ng Otso Dire­tso, minabuti ni Roxas na ibalik ang dati niyang kulay na asul.

Noong isang buwan, sinabi ng campaign man­ager ni Roxas na si Calo­ocan Rep. Edgar Erice na malaking pagkakamali ng dating senador ang pa­giging dilaw kaya natalo noong presidential elec­tions noong 2016.

Sa mga nai-publish na survey, tanging si Senator Bam Aquino mula sa Otso Diretso ang siyang pumapasok sa Magic 12.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *