MATINDI ang hangarin ng isang mayoralty bet ng Cotabato City na manalo sa eleksiyon ngayong darating na 13 Mayo dahil nagmumula na umano sa international terrorist group na Islamic State of Iraq & Syria (ISIS) ang campaign funds matiyak lang ang panalo sa eleksiyon.
Itinuro ang kandidato na isang congresswoman Bai Sandra Sema, ina umano ng kompirmadong ISIS na si Datu Muhammad Abduljabbar Sema.
Nabatid mula sa isang source, mayroong nakalaang pondo ang ISIS para sa kandidatura ni Rep. Sema sa pagka-alkalde ng Cotabato City.
Ang transaksiyon umano para mapondohan ang kandidatura ni Sema ay dahil mayroong mataas na posisyon ang anak niyang si Abduljabbar Sema sa teroristang ISIS na direktang konektado sa Maute group.
Ang anak ni Sema ay sinasabing direktang responsable sa 2016 Davao Night Market blast na kumitil sa 14 katao at nakasugat ng 17 sibilyan.
Si dating PNP Chief at senatorial bet Gen. Ronaldo “Bato” Dela Rosa mismo ang nagkompirma ng koneksyon ni Abduljabbar sa ISIS.
Ayon kay Bato, si Abduljabbar Sema ang utak ng Davao Night Market Blast.
“Siya ang nagbigay ng sasakyan at nag-operate ng bombing operation. Siya rin ang brain. Siya ang nangungunang propagator ng ISIS dito sa Filipinas at siya rin ang nagpapakalat ng extremism,” ani Bato sa isang pahayag matapos ang pagsabog noong 2016.
Nauna nang napaulat na tumakas si Abduljabbar Sema patungong Malaysia, gayonman nabigo ang mga awtoridad na siya ay maikulong.
Matatandaan na ipinagmamalaki ni Rep. Sema na mayroon siyang hindi matatawarang suporta kay Duterte dahil sa pagiging tagapagtaguyod ng BOL at gayondin sa mga nakaupo sa BARMM.
Nangangamba ang mamamayan ng Cotabato City na gagamitin ni Rep. Sema ng lahat ng dirty tactics manalo lang sa eleksiyon kabilang rito ang pondong manggagaling umano sa ISIS at ang koneksiyon niya kay Duterte.