Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
electricity meralco

‘Oligarchs’ sa ‘Sweetheart deals’ kasuhan — Bayan Muna

NAIS panagutin ng grupong  Bayan Muna ang mga oligarka na nasa likod ng ‘sweetheart deals’ at dapat umanong kasuhan ang government officials na hinayaang mangyari ito.

Ipinahayag ito ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate sa desisyon ng Korte Suprema na ipinabasura  ang kontrobersiyal na kasunduan.

“We should not allow the greed of these energy oligarchs to continue. Those government officials who allowed this should be made accountable and charges must be filed against them,” ani Zarate

Aniya, ang desisyon ng Supreme Court ay tumutugma rin sa joint committee report ng House of Representatives na lumalabas na pinaglaruan ng ERC at Meralco ang Competitive Selection Process (CSP).

Matatandaan, naghain ang Bayan Muna ng Resolution 566 na naglalayong imbestigahan ang ERC at Meralco sa midnight sweetheart deals at lumabas sa house probe na binaluktot ng ERC ang kanilang panuntunan upang mapabigyan ang Meralco.

Kamakalawa, labis na ikinatuwa ni Zarate at Bayan Muna Chairman Makabayan senator candidate Neri Colmenares ang naging desisyon ng Korte Suprema na ipinababasura ang mga kasunduan na hindi dumaan sa CSP.

Sa desisyon na inilabas ni Senior Associate Justice Antonio Carpio, nakasaad dito ang ginawang pagmamalabis ng ERC sa pagpa­pahintulot sa Meralco at iba pang power utility distribution na hindi dumaan sa  CSP na paman­tayan ng ahensiya para magkaroon ng bidding at titiyak upang ang pinakamababang presyo ang magiging singil sa koryente para sa consumers.

Matatandaan na kinuwestiyon sa Supreme Court ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, Inc. (ABP)  ang ginawang pagpapahaba ng deadline ng ERC sa compliance ng CSP nang dalawang beses mula 30 Hunyo 2015 hanggang Nobyembre 2015 at Abril 2016 na naging dahilan upang makapagsumite ng pitong Power Supply Agreements (PSA) ang Meralco sa sarili rin nilang kompanya na hindi dumaan sa biddings.

Tinatayang nasa mahigit 90 PSA application ang tinanggap ng ERC na lumabag sa bidding ng CSP.

”This is a very positive development because it spared consumers another burden that we would have to bear for 20 years. We commend ABP for its vigilance. Their victory is a victory for all electricity consumers in the country,” saad ni Colmenars na dating legal adviser ng ABP.

“We believe that some ERC officials bent backwards several times to accommodate these Meralco power deals. The ERC should now scrap those sweetheart deals and require Meralco to undergo competitive bidding for its power supply,” dagdag ni Colmenares.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …