Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
HINDI magkamayaw ang mga taga-Bayambang, Pangasinan na gustong makamayan si Sen. Grace Poe nang muling magkampanya sa nasabing lalawigan ang senadora. Tubong Pangasinan ang ama ni Sen. Poe na si Fernando Poe Jr. o FPJ  kaya naniniwala siyang tatangkilikin ng mga mamamayan ng nasabing lalawigan.

Grace Poe, nagpasalamat sa endoso nina Tito Sotto at Bro. Mike

NAGPASALAMAT si Senadora Grace Poe sa kambal na endosong naku­ha niya kay Senate Pre­sident Vicente “Tito” Sotto III at kay El Shaddai leader Bro. Mariano “Mike” Velarde.

“Kung may isang tao akong kilalang hindi ako pababayaan, ‘yan ay si Senate President Sotto,” sabi ni Poe sa isang paha­yag. “Para siyang tatay sa akin at naniniwala ako sa kanyang liderato.”

“Ang kanyang (pag)-endo(r)so ay nagpapasigla sa atin upang higit na magsikap at magtrabaho para sa ating mga kababa­yan,” dagdag ni Poe na tumatakbong independi­yente. “Lubos akong nagpa­pasa­lamat.”

Nagpasalamat din si Poe na napabilang siya sa 14 na inendosong kandi­dato ng Catholic charis­matic movement na El Shaddai na may tinatayang anim na milyong bloke ng botante.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …