Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PATULOY na hinahabol ng mga tao si Mayor Fred Lim nang umakyat sa kanyang float para lamang makamayan, matapos na siya ay bumisita at mangampanya sa Sta. Ana Market.

Dagdag-benepisyo ng pulis, guro, empleyado, at senior citizens tiniyak ni Lim

TINIYAK kahapon ni PDP-Laban Manila mayoral can­didate bet Alfredo Lim, lahat ng uri ng financial as­sis­tance, cash incen­tives at cash benefits na kasalu­kuyang tinatanggap ng mga pulis, teachers, senior citizens at mga empleyado ng City Hall ay kanyang dadagdagan sa oras na siya ay maging alkalde muli ng lungsod.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Lim, kailangang gawing angkop sa kasa­lukuyang panahon ang nasabing financial benefits sa gitna ng patuloy na pag­taas ng mga presyo ng bilihin kompara sa kasa­lukuyang suweldo ng mga manggagawa.

Ani Lim,  nagsilbi sa bayan bilang isang pulis-Maynila sa loob ng 38 taon, mahalaga ang papel na ginagampanan ng pulisya sa pagpapanatili ng kata­himikan at kaayusan sa lungsod, nang sa gayon ang mga residente ay makatulog nang mahimbing at makapag­lakad sa mga kalsada nang hindi nangangamba para sa kanilang kaligtasan.

“Araw-araw, kapag umaalis ang isang pulis sa bahay para pumasok sa trabaho, ang isang paa niyan ay nakatapak na sa hukay.  Buhay ang ibinu­bu­wis ng pulis para sa kapa­kanan ng  mamamayan kaya marapat lang na kilalanin ang kanilang kabayanihan kahit sa pamamagitan man lang ng kaunting pinansiyal na tulong,” pagbibigay-diin ni Lim.

Kaugnay nito, pinuri rin ni Lim ang mga guro na uma­no ay responsable sa pag­hu­gis ng mga kabataan upang maging mabubuting mamamayan at ang papel na ginagampanan ng mga guro tuwing halalan, parti­kular sa pagpapanatili ng maayos at malinis na elek­siyon.

Binigyang kredito ni Lim ang mga kawani ng lungsod dahil sa kanilang kontri­busyon upang magtagum­pay ang anumang proyek­tong inilulunsad ng pama­halaang-lungsod para sa kapakinabangan ng mga taga-Maynila.

‘Ang balita ko, nade-delay ang sahod ng mga emple­yado. Alam ko na nakalaan na sa mga gas­tusin ang hinihintay nilang sahod at ‘pag hindi ito duma­ting sa oras ay napipilitang mangutang ang empleyado kahit ma­laki ang interes. Kaya naman isa sa mga tinitiyak ko ay pagbibigay ng sahod ng mga empleyado sa tak­dang araw,” pahayag ni Lim.

Siniguro ni Lim na lahat ng sahod ng mga emple­yado ay ibibigay sa tak­dang araw na dapat nila itong matang­gap, gayon­din ang kanilang financial benefits, assis­tance o incentive, kasabay sa mga guro at pulis.

Ukol naman sa senior citizens, inihayag ni Lim ang kanyang plano na dagdagan ang kasalu­kuyang bene­pisyo na kanilang natatang­gap at ibaba sa 95 years old mula 100 years old ang edad ng isang senior citizen para makatanggap ng ‘centen­nial incentives’ na P100,000.

Ayon kay Lim, dahil sa naging kontribusyon ng senior citizens sa lungsod noong kalakasan nila ay ma­ra­pat na sila ay suklian ng pamahalaang-lungsod sa pamamagitan man lang ng pinansiyal na tulong.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …