NAIS ng Philippine Independent Power Producers Association na magkaroon ng dagdag na peaking plants imbes baseload plants.
Ayon kay PIPPA President Atty. Ann Macias, pagaganahin lamang kung kakailanganin ang peaking plants sa panahon na ang consumers demand ay lampas sa available capacity mula sa baseload plants na operational 24 oras.
Aniya, kailangan matugunan ang demand spikes ng grid na dalawang porsiyento sa lahat ng oras sa isang taon.
Nangangahulugan na peaking capacity ang kailangan at hindi ang mas maraming baseload capacities na hindi naman nagagamit ang 98 percent sa lahat ng oras.
Dagdag ni Macias, dahil sa lumalaking electricity demand dulot ng mild El Niño at sa pangangailangan sa midterm elections, ang forced outages ay natural lamang at hindi maiiwasang pangyayari kahit pa sa makabagong teknolohiya.
Nauna rito, marami sa power generators ang nagpatupad ng forced outages noong Abril na naging dahilan para maglagay ng red alert projections ang National Grid Corp ang luzon
Ayon sa PIPPA, ang forced outage ay isang engineering issue, bagay na hindi kayang mapangunahan o maagapan habang sinabi nila na hindi kokonsintihin ng kanilang grupo ang sabwatan upang magmahal ang singil sa konsumo sa koryente o para maaprobahan ang mga power supply contracts .
Sa katunayan, suportado nila ang competition sa merkado at bukas din sila sa imbestigasyon.
Hinimok ng PIPPA na pagtuunan ng gobyerno ang mga regulasyon na maaaring magbigay ng mga solusyon at iwasan ang mga patakan na nagpapahihirap na dahilan upang ilan sa mga investor at developers ay umaatras.
Naniniwala ang PIPPA na mahagang papel ang isang maayos na relasyon ng gobyerno at mga producer na magiging dahilan upang maging matagumpay ang operasyon ng mga planta kaya naman suportado ng grupo ang pagpapatupad ng DC 2018-08-0021 ”Providing amendments to rule 29 part (a) of the implementing rules and regulations of RA 9136.”