SA pagsisimula ng isang buwang komemorasyon ng Ramadan kahapon, 6 Mayo, nakiisa si Senador Aquilino Koko Pimentel III sa mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng panahon ng repleksiyon at paglilinis.
“The humble submission of body and spirit to self-imposed restraints filters out negative emotions and shows obedience to one’s faith. This strength of character and sustained willingness to sacrifice are values we all share, cherish and aspire for as Filipinos,” bati ni Pimentel na tubong Mindanao.
Kabilang ang Ramadan sa limang haligi ng Islam, na isang yugto sa buhay na nagtitika, naglilinis at nagtitimpi sa layuning mapalapit ang mga Muslim kay Allah.
Isasagawa ng mga Muslim sa buong daigdig ang gawaing paglilinis mula sa mga tukso sa sanlibutan kagaya ng pagtatalik, pag-iwas sa pagkain at tubig sa buong maghapon.
“The nation is one with our Muslim community in celebrating peace and unity. Ramadan Mubarak!” sabi pa ng reeleksiyonistang senador.