Saturday , November 16 2024

Sugar profiteers dapat parusahan — Koko Pimentel

HINIKAYAT ni Senate Trade and Commerce Chair Aquilino “Koko” Pimentel III nitong Huwebes ang Depart­ment of Trade and Industry (DTI) na gumawa ng aksiyon laban sa mga wholesaler at retailer na nagpepresyo nang mahal sa asukal sa harap ng mata­tag na presyo sa mill gate ng mahalagang bahagi ng pagkaing ito.

“For the past several months, the mill gate prices of sugar have been holding steady at around 1,500 pesos for a 50 kilogram bag. But sugar is now retailing for 60 pesos a kilo despite assurances from the SRA [Sugar Regulatory Administration] that we have adequate stocks of sugar in our warehouses; obviously, there are efforts to artificially drive up the prices of sugar,” sabi ni Pimentel.

Ipinahayag ng mamba­batas mula sa Mindanao na pinagtibay din ng DTI ang katotohanang may mga mangangalakal at retailer na nagbebenta ng asukal nang mas mataas kaysa suggested retail price (SRP) kahit malaki ang suplay ng asukal.

Naunang ipinabatid ni DTI Undersecretary for Consumer Protection Ruth Castelo na hindi lingid sa kaalaman ng pamahalaan ang mga pagtatangkang manipulahin ang presyo ng asukal at nag-isyu na ang DTI ng Letters of Inquiry sa mga nagbebenta ng asukal nang mas mataas kaysa SRP.

Sinabi ng senador na nag-topnotcher sa Bar examination noong 1990, dapat pang paigtingin ng DTI ang kanilang pagmo-monitor at hindi dapat magdala­wang-isip na parusahan ang mga retailer na nagsa­samantala sa pa­nga­ngailangan ng asukal.

“Sugar is essential in every Filipino household, and government should prevent any attempt to exploit this for profit,” giit ni Pimentel.

“Nararapat lamang kasuhan ng DTI ang mga nagtutubo nang sobra na paglabag sa Republic Act 7581 o ang Price Act.”

Sa ilalim ng Section 15 ng nasabing batas, ipina­liwanag ni Pimnetel na ang kumilos para ilegal na manipulahin ang presyo ng mga pangunahing panga­ngailangan ng tao sa pama­magitan ng pagtutubo, pag­tatago ng suplay at paki­kiisa sa kartel ay papa­tawan ng pagkaka­kulong nang hindi bababa sa limang taon at hindi hihigit sa 15 taon at mag­mu­multa nang hindi bababa sa P5,000 at hindi hihigit sa P2 milyon.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *