Saturday , November 16 2024

‘Konsi’ Jun Calalo, action man ng Norzagaray

BUKAS-PALAD na tinanggap ni ‘Konsi’ Bienvenido ‘Jun’ Calalo Jr., kasalukuyang aktibong kagawad ng Barangay San Mateo ng bayan ng Norzagaray, ang hamon ng kanyang maraming kababayan na kumandidato bilang konsehal ng Sangguniang Bayan.

“Marahil eto na rin ang tamang timing upang mas lalo ko pang mapalawak ang aking pagse­serbisyo this time sa buong bayan ng Norzagaray na mas marami pa rin ang nangangailangan lalo na ng tulong-medikal, pangkabuhayan at iba pa,” ani Konsi Jun.

Kahit isang independent candidate, lumalabas na pasok siya sa ‘winning’ list ng mga kandidato sa pagka-konsehal base sa ilang isinagawang local surveys kung kaya’t lalong naging masigasig sa kanyang kandidatura kasabay ng kanyang lambing sa mga botante ng ‘Garay na matulungan siyang mailuklok at ang kapalit nito’y pagtupad ng kanyang mga naipangakong plataporma.

“Maglalambing lang po ako sa inyo, kahit siguro panghuli na ako sa mga kandidato sa inyong balota basta ‘wag n’yo pong kalilimutan ang inyong lingkod dahil sa ngalan ng Panginoon, I will truly commit myself to serving the people of Norzagaray.”

Kung siya’y papalarin, uunahin n’ya ang maayos na relasyon sa mga kapwa-opisyal ng bayan lalo ang alkalde upang mailapit sa mga ka-barangay ang lokal na pamahalaan at ang mahahalagang serbisyo tulad ng medikal, pangka­buhayan at edu­kasyon ng mga kabataan.

Kanya rin ipa­panukala ang pag­kakaroon ng mo­derno pero murang ospital kasabay ng mga state-of-the-art medical facilities upang hindi na lumayo pa ang kanyang mga kababayan sa kanilang pagpapagamot.

Sisiguraduhin n’ya rin na magkaroon ng kom­pleto at de-kalidad na kagamitan sa pagresponde sa sakuna at kalamidad sa bawat barangay, pagtatalaga ng isang nurse sa barangay health center at intensive training programs para sa mga tanod upang sila’y magsilbing first line of sup­port or rescue sa mga nanga­ngai­langan.

Una rin sa kanyang pra­yoridad ang pagpapa­unlad ng serbisyong pang-agrikultura at pangkabuhayan lalo sa single parents at drug surrenderees at pagsusulong ng scholarship pro­gram lalo sa mahihirap pero deserving stu­dents ng bayan.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *