Wednesday , December 25 2024
NAKIPAG-SELFIE si Sen. Grace Poe sa kanyang mga tagasuporta sa Cauayan City, Isabela na sakop ng Solid North.

Norte, lalong naging solido kay Sen. Grace Poe

SA PANGANGAMPANYA sa mga lalawigan ng Cagayan at Isabela, sinalubong si Sen. Grace Poe ng matibay na espiritu ng mga Filipino na hindi kayang igupo ng bagyo, tagtuyot at maging ng lindol na yumanig sa Gitnang Luzon.

“Sa Isabela, makikita natin na walang bagyo o tagtuyot na kayang gumapi sa espiritu ng Filipino. Kung pagtitiwalaan ninyo akong muli, maaasahan ninyong kasama ninyo ako sa pagsusulong ng mga proyektong makatutulong sa mga kababayan nating Isabelano,” sabi ni Poe sa kanyang Facebook account.

Nauna rito sa Cagayan, dinumog ang senadora ng kanyang mga tagasuporta na nagsidagsa sa kanyang pag­lilibot sa nasabing lalawigan, partikular sa kabiserang Tugue­garao City.

“Mainit man ang panahon at nililindol tayo, pero matatag ang pundasyon ng hangarin nating maglingkod sa inyo. Salamat, Tuguegarao!” dagdag ni Poe.

Naglagari kahapon si Poe, 25 Abril, sa Ilocos Sur at Norte na kabilang pa rin sa tinatawag na Solid North o baluwarte ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Ang Isabela ay mayroong mahigit 911,000 botante, habang ang Cagayan ay mayroon namang mahigit 647,000 botante.

Ang Ilocos Region naman ay may 3.3 mil­yong botante at kung isasama pa ang Pangasinan na may mahigit 1,900,000 registered voters ay mahigit limang milyong boto ang makokopo ni Poe sa rehiyon.

Nauna nang sinabi ni Poe na kahit nangu­nguna siya sa mga survey ay hindi siya magiging kampante dahil patuloy siyang mag-iikot sa iba’t ibang panig ng bansa hanggang sa 11 Mayo, o dalawang araw bago ang halalan.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *