DAHIL sa nangyaring pagyanig ng magnitude 6.1 tectonic earthquake sa Luzon at para maiwasan ang sakuna, isinara ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ilan nilang Consular offices sa Metro Manila at sa ilang rehiyon kahapon.
Kabilangsa isinara ang Aseana, Alabang Town Center, SM Manila, Robinsons Galleria, SM Megamall, Ali Mall at Robinsons Novaliches sa Metro Manila.
Habang sa Consular Regional Offices, isinara rin ang SM San Fernando at Marquez Mall sa Pampanga.
Ayon sa naturang ahensiya, muling bubuksan ang kanilang Consular offices sa nabanggit na mga lugar ngayong araw, Miyerkoles (24 Abril).
Ang lahat ng may confirm appointments nitong Martes ay maaring magtungo simula ngayong araw hanggang 19 Mayo, hindi kabilang ang araw ng Sabado at Linggo. Ginawa ito ng DFA bunsod nang naganap na lindol nitong Lunes.
(J. GARCIA)