Saturday , November 16 2024

Grace Poe, sure na No. 1 senatoriable

MALAKI ang paniniwala ng mga eksperto sa politika na hindi na matitibag at sigurado nang magiging No. 1 sa nalalapit na May 13 elections si Senadora Grace Poe.

Ayon kay STORM political strategist Perry Callanta, malaking bagay ang “FPJ Magic” kaya mabango sa mga botante si Sen. Poe bilang No. 1 senatoriable.

“Walang makatitibag kay Sen. Grace Poe bilang No. 1 senatoriable, para mabakbak mo siya bilang topnotcher ay kailangang imaniobra ang resulta ng survey at walang maniniwala lalo’t consistent siyang No. 1,” ani Callanta.

Ganito rin ang paniniwala ni Cavite statistician Jane Porter dahil malakas ang batak sa tao ni Sen. Poe dahil sa kanyang amang si Fernando Poe Jr., at marami pa rin ang nakikisimpatiya sa pagkatalo noong 2004 sa pamamagitan ng dagdag-bawas.

“Kung pag­babatayan ang resulta ng lahat ng survey, pina­kahuli ang isina­gawang nation­wide survey ng grupong Mag­dalo na inilabas ni Senador An­tonio Trillanes IV nitong Lunes, tiyak nang ma­ngu­nguna si Sen. Grace Poe sa mga kandi­datong senador sa midterm elections sa Mayo 13, 2019,” ani Porter.

Laging nangingibabaw ang pangalan ni Poe bilang top choice for senator sa survey ng Pulse Asia, Social Weather Station, The Center, Publicus, Radio Mindanao Network, Radio Veritas at No. 1 maging sa isinagawang 2019 mock election sa Polytechnic University of the Philippines, Sta. Mesa, Maynila kamakailan.

Si Poe ay nakakuha ng rating na 60.4 percent mula sa 3,000 respondents na lumahok sa Magdalo survey noong 2-4 Abril.

Ang mga respondent sa nationwide survey ng Magdalo ay binigyan ng listahan ng mga kandidato sa pagka-senador at may tanong na: “Kung ngayon gagawin ang eleksiyon sa pagka-senador, sino sa mga sumusunod na kandidato ang inyong iboboto? Pumili hanggang 12 na kandidato.”

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *