Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kahit binabanatan ng Pangulo Mar Roxas, pokus pa rin

POKUS lang si Mar Roxas sa pagsusulong ng mga programang mag-aangat ng kabuhayan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng mga panukalang batas na isusulong niya sa pagbabalik sa senado. Si Roxas na ibinotong number one at nakakuha ng highest votes sa kasaysayan ng senado noong 2004, ay nangakong hindi masisiraan ng loob sa mga ipinaglalaban niyang katatagan ng kabuhayan ng bawat mamamayan.

“Sa kabila ng mga banat ng Pangulo sa isyung sa tingin ko ay nasagot ko na, mananatili akong matatag at haharap sa bayan. Gagawin ko ang alam kong tama, hindi ako masisiraan ng diskarte dahil ang mamamayan ang sentro ng aking laban,” sabi ni Roxas.

Si Roxas na isang batikang ekonomista ay kinikilala bilang father of call centers dahil sa panahon niya bilang Trade and Industry secretary nagsimula ang mga busines process outsourcing o BPO.

Halos dalawang milyong Filipino ang nagkatrabaho dahil sa BPO at naging number one pa ang bansa sa industriyang ito dahil sa kagalingang makapagsalita ng Ingles ng mga mamamayan dito.

Sa pag-iikot ni Roxas sa iba’t ibang panig ng bansa, nakita niya ang pangangailangang tumutok ng gobyerno sa food production at job-generating programs upang malimitahan din ang importasyon ng pagkain at manpower.

“Kapag napalakas mo ang food productions at ang gagawa nito ay mga Filipino, dalawa ang natumbok mong problema. Darami na ang pagkain na magiging mura, magkakatrabaho pa ang ating mga kababayan,” sabi ni Roxas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …