Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang Probinsyano Party-List suportado ni Ryza Cenon… Trabaho sa Bicol sagot ng AP-PL

SAGOT ng Ang Probinsyano Party-List ang hanapbuhay ng mga taga-Bicol sa oras na maupo sa House of Representatives.

Ito ang paniniguro ng sikat na aktres na si Ryza Cenon nang magtungo sa Bicol kamakailan upang ikampanya ang Ang Probinsyano Party-List, ang patuloy na lumalakas na kandidato sa kamara dahil sa tapat nitong mga programa na nagsu­sulong ng kapakanan ng mga taga-probinsya.

Ayon kay Ryza, nanini­wala siya sa kaka­yahan ng Ang Probin­syano Party-List na isulong ang mga agenda nito partikular ang pagi­bigay ng hanapbuhay sa mga walang trabaho sa mga lalawigan.

Aniya, bukod sa trabaho ay target din ng Ang Probinsyano Party-List ang pagpapalawak ng programang eduka­syon sa mga probinsya sa pamamagitan ng pagpa­pagawa ng mga bagong kalsada na magisilbing daan patungo sa mga paaralan.

Kampante rin si Cenon sa kapakanan ng mga magsasaka kapag nanalo ang Ang Pro­binsyano Party-List sa parating na halalan dahil plano nitong palakasin ang agrikultura sa bansa gamit ang mga tulong-pinansiyal at makabagong teknolohiya sa pagsasaka.

“Huwag n’yo pong kalilimutan, Ang Pro­binsyano Partylist po,  number 54 iboto po natin ‘to, tutulungan po nila tayong lahat,” pahayag ni Cenon sa isang pro­clamation rally sa Bicol kamakailan.

“Ako po ay isang pro­binsyana kaya’t nanini­wala po ako sa adhikain nila na tutulungan tayo sa edukasyon, sa hanap­buhay at sa agrikultura,”  dagdag ni Cenon.

Nagpunta sa Daet, Camarines Norte si Cenon para sa proclamation rally ng Team Pagbabago ni Liwayway Vinzons Chato na tumatakbo sa ikala­wang distrito ng naturang lalawigan.

Pinasaya ni Cenon ang mga Bikolano sa kanyang mga awitin at hinimok ang lahat na suportahan ang Ang Probinsyano Party-List.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …