Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rodrigo Duterte Bong Go
Rodrigo Duterte Bong Go

Bong Go hindi pa sigurado

HALOS isang buwan na lamang ang nalalabi sa pangangampanya, pero hindi dapat maging kompiyansa si dating Special Assistant to the President  (SAP) Bong Go.

Ayon sa ilang political observers, ang suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Go ay hindi dapat ipakahulugan na sigurado na siya sa darating na eleksiyon sa 13 Mayo.

Hindi rin umano bata­­yan ang maraming tarpaulin, stickers, at iba pang campaign materials na nagkalat ay tiyak na para sabihing sigurado ang panalo ni Go.

Nakaiirita rin umano, sa kabila ng mga paalala ng Commission on Elections (Comelec), patuloy ang pagdagsa ng campaign propaganda ni Go at lumalabas na parang binabalewala ang kapangyarihan ng tang­gapan dahil ‘dikit’ siya kay Digong.

Sabi nga, “no one is above the law,” pero bakit patuloy umano ang ginagawang violation ng kampo ni ni dating SAP Go.

Sinabi ni Go na naki­usap na siya sa kanyang supporters na hindi dapat basta ikinakabit ang mga tarpaulin at dapat sundin ang panuntulan ng Comelec, pero patuloy pa rin sila sa ilegal na pagdidikit.

Bukod diyan, mantsa rin umano sa kandida­tura ni Go ang akusasyon ni paty-list Rep. Gary Alejano na ginagamit ang pondo ng bayan para sa kanyang campaign materials.

Pero mabilis pa sa alas-kuwatro na itinanggi ito ni Go.

Ayon pa sa political observers, “lalong hindi dapat magtiwala si Go na komo pangatlo na siya sa survey ng Pulse Asia ay tiyak na ang kanyang panalo.

“Dapat niyang main­tindihan na iba ang sinasabi sa survey kom­para mismo sa ground o ‘yung msimong mama­ma­yan na maghahalal sa mga kandiadato,” diin ng political observer.

Kilala si Bong Go sa Davao at naging popular nang madikit kay Digong ngunit marami ang aku­sasyon laban kay Go dahil hindi pa man nagsisimula ang campaign period naging epal na umano sa publiko.

“Early campaigning ang kanyang ginawa at parang sinamantala ang pagigiging malapit kay Digong,” saad naman ng isa pang political observers.

Gayonman, marami ang nagsasabi sa hanay ng administrasyon, “dahil si Bong Go ay ‘kanang kamay’ ni Di­gong, tiyak na ang kan­yang panalo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …