Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Anyare Jim repapips?

WALA naman tayong nakikitang masama kung masturbation ang pag-uusapan.

Kaya nagtaka tayo kung bakit nag-deny pa noong una si Jim Paredes na siya ‘yung nasa video gayong kahit saang anggulo tingnan ‘e siya talaga ‘yun.

Hik hik hik…

Kaya hayun, umamin din sa huli at humingi ng apology.

Normal ang masturbation sa maraming kalalakihan. Pinaka-exercise nila ito lalo na kung wala silang partners.

Pero ang pagsasagawa nito ay sa pinaka-pribadong paraan dapat. Hindi kailangan ibuyangyang.

Kaya lalo pa tayong nagtaka kung bakit kailangan pang magpakuha ng video habang nilalaro ni Jim Paredes ang kanyang batotoy.

Sa nag-viral na video, mukhang ipinakikita na may ka-video chat si Jim kaya nga naka-earphone siya. 

Kaya hindi tayo kombinsido sa sinasabi ni Jim repapips na ‘personal’ o pribado ang kanyang ginagawang masturbation.

Hindi kaya, ‘yung ka-video chat niya ang naglaglag sa kanya at naglabas ng video na ‘yan?!

Ang malas naman!

Naalala tuloy natin ang tsismis noong araw na isang sikat na singer/composer umano ang madalas mamataan diyan sa sikat na mga sauna sa Quezon City.

Suking-suki umano ‘yug sikat na singer/composer ng mga sauna sa Kyusi.

Pero hindi raw siya peyborit ng mga nagpapa-extra service kasi masyadong malupit. Nagagalit kapag hindi nagagawa ang kanyang request sa bebot.

Mukhang inaalat si Jim repapips. Mantakin ninyo, sa ganitong panahon siya nagkaroon ng eskandalo?!

Senior citizen na si Jim!

Hindi ba’t kamakailan lang ay nagkaroon pa ng tribute sa kanilang grupo sa BGC?! Ang balita natin ay sold out ang nasabing show na sinu­portahan ng mga Atenista.

Tapos biglang pumutok ang ganitong eskandalo?! Arayku!

Kung tutuusin, mayroon namang artistic way kung gustong iladlad sa publiko ni Jim ang kanyang batotoy — simpleng-simple lang — kahit Atenista siya, sumama siya sa Oblation Run na ginagawa ng mga taga-UP.

Kahit paulit-ulit pa siyang tumakbo nang hubo’t hubad, walang pipigil sa kanya. ‘Wag lang niyang lalaruin si batotoy sa harap ng publiko.

Hak hak hak!

Sa totoo lang, kahit ang inyong lingkod ay desmayadong-desmayado sa ginawa ni Jim.

Naghulas ang bilib ko ‘e.

Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …