Nasilip namin ang latest survey para sa mga nangungunang councilor sa District 3 ng Quezon City at pasok rito ang pangalan ni Kagawad Chuckie Antonio. At ang edge ni Chuckie ay hindi pa siya nakauupo sa pwesto ay marami na siyang napatunayan at hindi uso sa kanya ang ningas kugon style. Para sa kaniya ay dapat aksiyon agad kapag may problema sa alinmang barangay na kinasasakupan.
Noong mawalan nga ng tubig sa maraming lugar sa Distrito 3 ay agarang nagpadala ng tanker ang batang politiko na napakinabangan nang marami. Kapag naman nagkasunog, ay mabilis na dumarating ang mga bombero sa lugar. Marami rin pangkabuhayan na proyekto si Kagawad Chuckie at ilang wheelchair na rin ang kanyang naipamahagi sa mga kababayang PWD.
At dahil sa buong pusong ginagawa ang serbisyo, mahal na mahal ng mga tao sa Distrito 3 si Chuckie at kasama na riyan ang maraming bilang ng LGBT na nahandugan niya ng libreng pag-aaral ng Cosmetology. Ilang bading sa Kyusi ang aming nakausap at hukbo-hukbo raw silang boboto kay Chuckie Antonio, na tunay nilang ipinagmamalaki.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma