At her age na still pretty, sexy, and attractive ay hindi na kailangan pang kumuha ng celebrity endorser ang Department of Tourism dahil mismong ang kasalukuyang Secretary ng goverment agency na si Berna Romulo-Puyat ay perfect na mag-endoso ng “It’s more fun in the Philippines” na seven years ago ay popular sa mga banyagang turista at mga kababayan nating mga bakasyonista.
At ngayong pinauusong muli ang nasabing hashtag ay si Sec. Berna ang bagay na bagay dito. Kasi hindi lang siya maganda’t matalino kundi mahusay pa siyang makipag-usap sa mga turista na kanyang ipinaliliwanag kung bakit maraming naghihintay na fun and excitement once na nag-travel sila sa Philippines at bumisita sa magaganda at ipinagmamalaking tourist spot natin sa bansa.
And in all fairness dahil sa maayos na pamamalakad ni Sec. Berna sa DOT, hindi na ito nakakaladkad sa mga intriga!
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma