Monday , December 23 2024
BPLO Bureau of Permits and Licensing Office redtape

2 BPLO sa Metro Manila na may ‘tara system’ (CGL-first system) iniimbestigahan ng PACC at DILG

NAKATANGGAP tayo ng kopya ng liham ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica para sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na humihiling na imbestigahan ang reklamo ng mga negosyante hinggil sa ‘tara system’ na umiiral sa Business Permits and Licensing Office (BPLO) ng dalawang lungsod sa Metro Manila.

Batay sa mga ipinakitang dokumento ng mga nagrereklamong negosyante naniniwala si Commissioner Belgica na mayroong iregularidad na nagaganap sa BPLO ng dalawang siyudad sa Metro Manila.

Dahil dito, hiniling ni Commissioner Belgica kay DILG Secretary Eduardo Año na imbestigahan ang nasabing mga iregularidad sa ilalim ng kanyang tanggapan.

Sa ngalan ng commitment ni Pangulong Rodrigo Duterte sa good governance, transpa­rency and immediate action sa mga isyung labis na nakaaapekto sa ating mga kababayan, nani­niwala ang PACC na mayroong dahilan para busisiin ang umiiral na ‘tara system’ sa BPLO ng dalawang siyudad sa Metro Manila.

Pero mukhang mabilis makaiwas sa gusot ang isang lungsod na tinutukoy natin.

Mula sa Sterling Insurance pinalitan ang insurance sa loob ng BPLO kaya ang makikita ngayon doon ay Bethel Insurance naman.

Pero ayon mismo sa ibang insurance company under Sterling din ‘yun. Nagkaroon daw ng merging ang dalawang kompanya.

Bukod sa Bethel, nakipag-merge din umano ang Stronghold Insurance at Milestone sa Sterling.

By the way, sa Caloocan City, manual na lang umano at wala nang verification form na ibinibigay. Pero kinukuha pa rin ang 60% kapag mayroong nag-isyu.

Halos dalawang linggo na umano itong ginagawa ng Caloocan BPLO.

Ang ibig sabihin ba niyan ay medyo lay low ang ‘tara’ system sa Caloocan BPLO?!

Dahil na-hit na ba P100 milyones?!

Let’s wait and see, mga suki!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *