NAKOMPISKA ng pulisya sa Palapag, Northern Samar ang mahigit sa dalawang sako ng campaign poster sa isinagawang Oplan Baklas.
Sinabi ni Police Major Arnold Gomba Jr., hepe ng Palapag MPS, karamihan sa kanilang binaklas na campaign tarpaulins, posters, streamers at banners ay mula sa mga kumakandidatong senador.
Muling nagbabala ang awtoridad sa mga kandidato na huwag maglagay o magpadikit ng mga poster sa ipinagbabawal na lugar tulad sa mga punongkahoy, poste ng koryente, electrical wires, eskuwelahan, waiting sheds, sidewalks, traffic signs, tulay, barangay hall, health centers, simbahan, terminal, airports, pantalan, government patrol car, ambulansya at iba pa.