Saturday , November 16 2024

Enrile: Dagdag na trabaho, susi laban sa kahirapan

DAHIL tumaas ang bilang ng mga Filipino na nagsasabing sila’y mahirap noong 2018 ayon sa isang survey ng Social Weather Stations (SWS), nangako si dating Senate President Juan Ponce Enrile na kanyang paiigtingin ang pagdagdag ng mga trabaho para sa mga Filipino upang labanan ang kahirapan.

“For the economy, what is our way of fighting poverty? Create jobs. Kung may trabaho mga tao, maski paano uunlad ‘yan. At saka kung walang trabaho mga tao, walang gagamit ng produkto. Walang consumption. Wa­lang ekonomiya. Walang taxpayer,” pahayag ng beteranong mambabatas sa isang media forum.

Sinabi rin ni Enrile, kumakandidato para sa Senado sa darating na halalan, sakaling siya’y mahalal, ang una niyang gagawin upang dumami ang mga trabaho sa bansa ay pagbubukas ng ekono­miya sa foreign invest­ments.

“[We must] remove all barriers to foreign invest­ments in the country except those areas where it involves our national security,” sabi ni Enrile, na dating namuno sa Depart­ment of Finance sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdi­nand Marcos.

Ayon sa dating Senate President, hindi na kai­langan ng mga negosyan­teng Filipino ng proteksiyon sa papasok na puhunan mula sa ibang bansa sapagkat sila ay “matured enough.”

Aniya, “They can compete with other capitalists from other countries. What we need to day is to create jobs for the jobless people to expand the economy.” Ipinaliwanag din ni Enrile na may tatlong hakbang siyang irereko­menda upang palaguin ang ekonomiya.

“The first is by investment either by government or the private sector including foreign and domestic capital. The second is through export by creating export products. The third is by consump­tion. You must have people who consume in society in order to expand the pie and create demands,” sabi ng dating Senador.

Ayon sa pinakabagong pag-aaral ng SWS na tumukoy sa self-poverty o bilang ng mga Filipino na nagsasabing sila’y mahirap, ang average self-poverty rate noong 2018 ay 48%, na mas mataas sa rate noong 2017 na 46%.

Sa kasalukuyan, may­roong 2.36 milyong Filipino na walang trabaho, at 9.8 milyong Filipino ang underemployed o kumuha ng trabahong mababa sa kursong natapos o ‘di naga­gamit ang buong kakaha­yan ng mangga­gawa. (JG)

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *