PINUNA ng isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) si administration senatorial candidate Francis Tolentino dahil sa malaking billboard sa lungsod ng Pasay.
Nagpaalala si Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa mga kandidato sa darating na halalan na dapat sumunod sa election rules at kaagad tanggalin ang posters na lumalabag sa itinatakdang 2″x3″ sukat ng campaign posters.
Sa pahayag ni Guanzon, nababahala siya sa billboard ni Tolentino at tila hindi rin inisiip ng naturang kandidato na may kapangyarihan ang poll body na ipatanggal ang campaign material.
Aniya, hindi magandang isipin ng mga kandidato na walang kapangyarihan ang Comelec laban sa kanilang mga paglabag.
Kaugnay nito, nagbabala si Guanzon na ang posters na lagpas sa size na itinatakda ng Comelec election rules ay dapat tanggalin ng mga kandidato o mismong ang poll body na ang gagawa nito.