Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blackmail nude Voyeurism Sextortion cyber

Hubad na katawan ng ex-girlfriend ipo-post online… Ex-boyfriend arestado sa robbery extortion

KALABOSO ang 25-anyos lalaki at kasabwat nitong sound engineer sa kasong ‘robbery extortion’ sa 18-anyos ex-girlfriend, para hindi umano kuma­lat ang hubad na kata­wan sa San Juan City.

Kinilala ni EPD-director C/Supt. Bernabe Balba, ang mga nadakip na sina John Paul Salaño, 25 anyos, at umano’y kasabwat na si Joseph Roque, nasa hustong gulang, sound engineer kapwa ng naturang lungsod.

Dakong 1:00 hang­gang 3:30 ng hapon ikina­sa ng San Juan PNP ang entrapment operation matapos magkasundo ang suspek at biktima na magbibigay ng kuwarta sa harapan ng Salapan Elem. School sa Salapan San Juan City.

Aktong inabot ng suspek at kasabwat ang P2,000 cash, nang ares­tohin sa kasong paglabag sa anti-voyeurism act at robbery extortion.

Ayon sa awtoridad, tinakot umano nina Sa­laño at Roque ang babae na ipo-post ang mga hubad na larawan ka­pag hindi nagbigay ng pera.

Kung papayag ang biktima, agad umano nilang ide-delete ang kopya ng mga larawan.

Dito humingi ng tu­long sa mga awtoridad ang biktima at nagkasa ng entrapment operation laban sa dalawa.

Nakapiit na sa deten­tion cell ng pulisya ang mga suspek at nakatak­dang sampahan ng rekla­mong paglabag sa anti-voyeurism act at robbery extortion.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …