Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
fire dead

62-anyos lolo todas sa sunog

KOMPIRMADONG patay ang 62-anyos lolo nang masunog ang kan­yang dalawang-palapag na bahay sa Manda­luyong City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni F/Supt. Christine Pula, fire chief, ang biktima na si Ray­mundo Liwanag Jr., nakatira sa Ayala Homes Subd., Brgy., Barangka sa lungsod.

Base sa imbestiga­syon, sumiklab ang sunog dakong 1:41 am, at naa­pula ng mga bomber dakong 2:25 am.

Sa kabila nito, limang oras ang lumipas bago natagpuan ang bangkay ni Liwanag na naipit umano nang bumagsak ang ikalawang palapag at dumagan sa katawan ng biktima.

Inaalam ng mga im­bes­tigador ang sanhi ng sunog at halaga ng mga ari-arian na nilamon ng apoy.

(EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …