Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yulo patay sa ambush? (babae sugatan, driver ‘di nakaligtas)

PATAY ang isang negosyante at ang kanyang driver habang sugatan ang kasama nilang babae sa pamamaril na naganap sa southbound lane ng EDSA malapit sa Reliance St., sa lungsod ng Mandaluyong, kahapon ng hapon.

Idineklarang patay sa ospital ang negosyanteng si Jose Luis Yulo, 62 anyos,  ng Ayala Alabang, Muntinlupa, at ang kan­yang driver na si Nomer Santos, 51 anyos, nakatira sa Barangay Del Pilar sa Las Piñas.

Ayon kay S/Supt. Moises Villaceran Jr., hepe ng Mandaluyong City police station, lumapit ang isang motorsiklo sakay ang dalawang hindi kilalang lalaki at pinagbabaril ang bintana sa kanang bahagi ng puting Toyota HiAce Grandia na sinasakyan ng mga biktima.

Basag ang mga bin­tana sa likod na bahagi ng sasakyan habang sa hara­pan ay may dala­wang tama ng bala.

Ayon sa mga saksi, nakasuot ng itim na jacket at helmet ang nag­ma­­maneho ng motorsiklo at nakasuot ng puting t-shirt, jacket at maong na pantalon ang angkas nitong suspek.

Dinala ang mga suga­tang sa Victor R. Poten­ciano Medical Center na halos nasa tapat ng hinin­tuan ng sasakyan.

Ngunit paglaon ay idineklarang patay ang negosyanteng si Yulo at ang driver na si Santos.

Nakaligtas ngunit suga­tan ang kasama ni­lang babae na si Esme­ralda Ignacio ng DBP Village, Las Piñas City.

Patuloy na iniimbes­tigahan ang insidente.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …