ANG inaasahan ng administrasyong Duterte na Rice Tariffication Law para umunlad ang bansa ay isang nakatatakot na batas na papatay sa sektor ng lokal na agrikultura.
Ayon kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang tamang pagpapatupad ng batas – pagtanggal sa “import restrictions” at pagpataw ng 35 porsiyento sa mga inangkat na bigas mula sa mga bansa sa Southeast Asian – magbibigay ito benepisyo sa lahat kasama na ang mga magsasaka ng bigas.
“Now we can focus on its proper implementation so that everyone can and should benefit from the law,” ani Arroyo.
“I am happy that President Duterte has signed into law the Rice Tariffication Act. It will further help in easing the inflation which has hit the poor the most,” dagdag ni Arroyo.
Aniya ang buwis na makakalap dito ay ipapautang sa mga magsasaka sa pagpaunlad ng kanilang kagamitan at kaalaman.
Aniya, ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) sa ilalim ng bagong batas ay maglalaan ng P1-bilyon para ipautang sa mga magsasaka at kooperatiba para makatulong sa sektor upang makalapit sa mga nagpapautang.
Sa panig ng Kilusang Mambubukid ng Pilipinas, ang rice tariffication law na pinirmahan ni Pangulong Duterte noong Biyernes ay isang bigwas na papatay sa local palay producers, magsasaka ng palay, mga nagtatrabaho rito pati ang mga pamilya nito.
Aniya magkakaroon ng masamang epekto sa halos 31 milyones na umaasa sa nasabing sektor.
“The livelihood of rice farmers are at stake with the approval of rice tariffication. Local rice producers will be the first to bear the brunt of the effects of unregulated and massive rice importation,” ayon kay Rafael Mariano, chairperson emeritus ng KMP at presidente ng Anakpawis.
“Ang mga magsasaka, magiging magsasako na lang. Taga-ipon na lang sila ng sako. Direkta ang epekto at latay ng patakarang rice tariffication sa mga magsasaka,” giit ni Mariano.
“As we have been saying for the past decades, rice tariffication and massive rice importation would devastate the rice industry and seriously imperil the food security of current and future generations,” ani Antonio Flores, secretary general ng KMP.
Anila ang mga magsasaka ang gumagastos sa lahat ng kailangan sa produksiyon ng bigas na naglalaro mula P49 hangang P59-milyones kada ektarya.
“Malaki ang gastos sa pagsasaka. Kulang o halos walang support services mula sa gobyerno, napakamahal ng inputs at hindi naman namimili ng palay ang NFA. When rice imports start to dump in the market, local rice farmers would be wiped out,” ani Mariano.