MA at PA
ni Rommel Placente
PUMASOK bilang celebrity housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition sina Michael Sager at Vince Maristela na nakatrabaho ni Jillian Ward sa seryeng pinagbidahan niya, My Ilongga Girl.
Siyempre, proud na proud si Jillian sa kanyang mga friend at kapwa Sparkle artists dahil palagi ngang viral at trending ang bawat episode ng PBB.
Nagbitiw ng pangako si Jillian sa dalawang aktor . Sabi niya, “I pray for the best kay Michael and sa iba kong friends.
“Basta paglabas ninyo, ako bahala sa inyo. Ililibre ko kayong lahat,” sabi ni Jillian sa panayam sa kanya ng 24 Oras.
Sa tanong naman kung game ba siyang pumasok din sa PBB house, mukhang okay naman ito kay Jillian pero ang issue niya ay baka raw ma-evict siya agad.
“Baka ma-evict ako agad kasi ang tagal ko maligo at lagi akong natutulog. Pero if ever na nandoon ako, siguro ako ‘yung laging magsasaing na lang,” natatawang sabi ni Jillian.
Kung sakali ngang papasok sa Bahay Ni Kuya si Jillian at kung ganyang matagal siyang maligo ay baka nga kainisan siya ng ibang housemates, na gusto ring maligo at maiinip sa paghihintay sa kanya. Magiging dahilan ‘yun para i-nominate siya na ma-evict.