RATED R
ni Rommel Gonzales
MAAARI pang mag-enroll para sa Sparkle Prime Workshops na maraming exciting classes ang naghihintay para sa lahat.
Sa social media accounts ng Sparkle Artist Center, makikita ang, “May time ka pa to enroll! Habol ka na! DM us for inquiries or click the link in our bio to register. See you there!”
Nagsimula na ang enrolment para sa Fundamentals of Acting para sa mga 15 taong gulang pataas. Ang face-to-face sessions ay magsisimula sa April 24 sa GMA Network Studios. Si Ana Feleo, isang certified instructor at inendoso ng Eric Morris System of Work ang magtuturo ng workshop.
Naglunsad din ang Sparkle Workshops ng Sparkle Prime Kids 360, klase para sa acting, public speaking, at sayaw para sa mga bata mula 5-14 years old na magsisimula sa May.
Mag-register na at sumali sa exciting activities ngayong summer sa Sparkle Prime Workshops! Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang link sa social media accounts ng Sparkle Artist Center.