Kris Aquino

Kris nakahahabag sa sobrang kapayatan

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

ISA rin kami sa mga nagtataka kung bakit sa gitna ng pinagdaraanan nitong mareng Kris Aquino natin ay nakapag-e-emote pa siya ng kay hahabang mga socmed post.

Sa latest na namang nobela ng mga pagko-korek at paghingi niya ng ‘sorry’ sa kanyang previous socmed posts, mapapatanong ka talaga kung siya ba talaga o may inuutusan siyang gawin at sabihin ang mga ‘yun?

Kasi sa mga photo niya, mahahabag ka sa sobra na niyang kapayatan at kapani-paniwala naman talagang hindi madali ang kanyang pinagdaraanan. 

In fact, gaya ng karamihan, feel mo talaga ang sakit ng kanyang kondisyon.

Pero ‘yun na nga, sa halos kay hahabang script o litanya na ma-emosyon at puno pa rin ng mga anik-anik na pagiging “self-righteous,” mapapa-ewan ka na lang talaga. 

Nagpapa-victim ba talaga siya?

Hay naku, basta kami, we continue and sincerely pray for her to get well.