Friday , April 25 2025
Battle of Calendrical Savants sa Abril 9
DUMALO ang organizer na si Roberto Racasa, tinaguriang 'Father of Memory Sports' (gitna) kasama ang anak (kaliwa) na si National chess master Antonella Berthe at Jeanne Arcinue sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC), sa Malate, Maynila. (HENRY TALAN VARGAS)

‘Battle of Calendrical Savants’ sa Abril 9

TALASAN ng isip ang matutunghayan ng sambayanan sa pagsabak ng mahigit 10 henyo sa ‘Battle of Calendrical Savants’ sa April 9 sa Eurotel/Vivaldi Tower sa Cubao, Quezon City.

Ipinahayag ng organizer na si Roberto Racasa, tinaguriang ‘Father of Memory Sports’ na ang torneo ay isasagawa pa lamang sa unang pagkakataon hindi lamang sa Pilipinas bagkus sa buong mundo.

“Sa abroad may ginawa nang tournament na ganito pero limitado lamang sa taon ng kalendaryo ang kanilang minimorya. Itong gagawin natin simula sa 1500 taon hanggang sa kasalukuyan taon kasama. Very challenging yet exciting, lalo na sa mga kababayan nating mahilig sa memory sports,” pahayag ni Racasa sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC).

Kabilang ang17-anyos na anak ni Racasa na si  National chess master Antonella Berthe sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC). at ang 12-anyos na si Jeanne Arcinue ng General Trias, Cavite sa magpapamalas ng kahusayan sa pagdikta at pagmemerya ng petsa, araw at taon sa kalendaryo.

“I’m very excited. Bata pa po ako nagsimula na akong magtraining sa memory sports, iniwan ko lang sandal para subukan ang chess, now I’m back, hopefully hindi tayp mangulelat, maganda naman ang ensayo at preparasyon naming for this coming event,” sambit ni Racasa na may 1629 FIDE rating, sa program ana itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

Iginiit ni Racasa na ang pagbabalik niya sa memory sports ay bahagi na rin sa itinakda niyang timeline upang makamit ang minimithing Grand Master title.

“I give my self two years to achieve mg Grand Master status in chess. Malaking tulong itong memory sports para mas mapataas ko pa ang kalidad ng aking talent sa chess. Hopefully may 2028 GM na ako tulad ng mga idol ko,” aniya.

Sinabi naman ni Arcinue kakaiba sa lahat ng sports ang memory game, ngunit natutulungan sila gamit ang mga mkabagong teknolohiya at pagsasanay kasama ang mag-amang Racasa.

“Maraming mahubusay na bata sa memory sports, hopefully magkaroon ng puwang ang pangalan ko sa sports na ito,” aniya.

Samantala, Nahalal na bagong pangulo ng TOPS ang sports editor ng pahayagang Bulgar na si Nympha Miano-Ang. Pamumunuan ni Miano-Ang ang organisasyon na binubuo ng mga sports editors ar reporter mula sa mga tabloids at online website sa taong 2025-27.

Itinalaga naman bilang Vice President si Jeff Venancio (Police Files), Ethel Guinio ng Saksi (Treasurer), Enjel Manato ng Agila (Auditor) at Edwin Rollon ng Sportstek.ph/Manila Standard (Secretary). Kabilang naman sa Board sina Danny Simon (Gilas), Rico Navarro (Remate), Henry Vargas (Hataw) at Rey Nillama (Bulgar). (HATAW Sports)

About Henry Vargas

Check Also

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams tampok ang bronze medal ng boys’ …

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

Ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 2024 ay nakatakdang ganapin mula Mayo 21 hanggang …

Milo Summer Sports Clinics

Milo Summer Sports Clinics

Ang matagal nang isinasagawang MILO Summer Sports Clinics ay inilunsad ngayong taon sa pinakamalaking saklaw …

AVC Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

AVC: Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

NANAIG ang Kaoshiung Taipower ng Chinese, Taipei, 25-15, 25-16, 19-25, 25-20 kontra Petro Gazz Angels sa 2025 …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …