Sanay na sanay na si JC Santos na gumawa ng sexy scenes, sa pelikula pero itong sina Jane Oineza at McCoy de Leon na parehong kilalang wholesome stars ay first time na nagpakita ng skin sa original series ng Dreamscape Digital na “Project Feb.14” kasama ang Kamaru Productions.
May katuturan naman ang pagpapa-sexy ng dalawa lalo sa kanilang love scene dahil kailangan ito sa istorya para sa binubuong documentary ng kilalang TV reporter at documentarist na si Cody played by JC.
Si Jane naman ay kulang sa pansin ng mga magulang na nagseselos sa bunsong kapatid na babae na may autism. Dahil sa ipinagmamaktol niya na mas mahal ng mga magulang niya ang sister niya, kaya naging libangan niya ang dark web.
Marami siyang nakilala hanggang naging cyber prostitute siya ,pero nagtatago sa pagsusuot ng mascara. Dahil sa kasinungalingan ng nobyong si Brix (McCoy) ay binaril ni Jane ang kanyang daddy at mommy.
Magkaibigan naman itong sina Brix at Cody, at aksidenteng nagkita muli sa isang bar kung saan gusto na rin wakasan ng huli ang kanyang buhay dahil sa problema sa tiyahin at kawalan ng trabaho.
Nang malaman ni Cody na magpapakamatay sina Brix at Annie (Jane) sa mismong araw ng February 14 ay naisip niyang i-docu ito para bumango ulit ang pangalan niya sa telebisyon, kung saan siya nagtatrabaho.
Halos mapraning si Brix nang malaman niya at sabihin sa kanya ni Annie ang dark secret ng nobya na nakipag-sex rin kay Cody na kinunan pa nila ng video. Sa murang edad ay parehong nakaranas sina Brix at Cody ng sexual abused mula sa mahilig na Yaya ni Brix.
Maayos ang pagkakagawa ni Direk Paul Laxamana ng series na ito na aminadong dumaan siya sa stage ng buhay niya na na-depress at naisip din niyang magpakamatay.
Mabuti na lang at naka-recover siya. Ang advocacy ng nasabing series ay ma-promote ang mental health awareness. Mag-uumpisa na ang streaming ng Project Feb.14 ngayong February 16 sa iWant na ayon pa sa respetadong veteran entertainment columnist na si Mario Bautista, “just saw the press preview of iWant’s Project Feb. 14, an original series from writer-director Jason Laxamana about damaged, tormented characters with huge chips on their shoulders. Great performance by Jane Oineza, JC Santos & Maccoy de Leon, so dark full of sex, violence & murder.”
Sabi pa ng kolumnista, so sabay-sabay natin itong panoorin.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma