Saturday , November 23 2024

Grace Poe, inendoso ni Tito Sen, senators

INENDOSO ni Senate Pre­sident Vicente Sotto III at iba pang senador ang kandi­datura ni Se­na­tor Grace Poe na nag­lunsad ng malaking political rally nitong Miyer­koles ng hapon sa Tondo, Maynila na dinu­mog ng mga tagasu­porta niya, lalo ng mga tagahanga ni action king Fernando Poe Jr. o FPJ.

“Talaga namang ii-endorse ko ang kandi­datura ni Sen. Grace Poe dahil nag­mula kami sa industriya ng showbiz pero napa­tunayan na­min na may kakayahan kami para maluklok sa Senado,” ani Sotto.

“Maipagmamalaki ang kanyang achieve­ments sa Senado at nagpakita siya ng political will lalo sa isyu ng minimum age of criminal responsibility na hindi dapat ibaba mula sa 15-anyos.”

Inendoso rin si Poe ng mga kapwa senador na sina Cynthia Villar ng Nacionalista Party, Maria Lourdes “Nancy” Binay ng United Nationalist Alliance, Joseph Victor “JV” Ejercito ng Nationalist People’s Coalition, Juan Edgardo “Sonny” Angara ng Laban ng Demokra­tikong Pilipino at Aquilino “Koko” Pimentel III ng ruling PDP-Laban.

Tinukoy ni Poe, na tuma­tak­bong inde­pen­diente, ang pagtitipon sa Tondo na pag­pa­pakita ng lakas, pagkaka­isa at estratehikong alyansa ng mga nanu­nungku­lang senador.

“Masaya ako sa aking pagbabalik dito sa Tondo. Wari ko parang dito ako nakatira. Nararamdaman kong anak ako ng Tondo dahil si FPJ ay inyong kasa­ma.  Pinalaki ako ni FPJ na maging matatag, may puso at maysikap na babaeng nasa inyong harapan ngayon upang maibalik ko naman ito sa inyo,” diin ng senador.

“Ang aking unang anim na taon sa Senado ay puno ng pagsubok. Ang nag­pa­patnubay na prinsipyo sa atin ay ang taongbayan at ang kanilang interes. Kapag guma­gawa tayo ng batas, kayo ang nasa aming isipan. Ito ba ay maka­tutulong sa inyo, maka­ba­bawas ba ito ng inyong mga pamatok, ito ba ay maka­tutulong para maka­mit ang inyong mga nais sa buhay?”

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *