MARAMING plano ang FDCP (Film Development Council) ni Chairman Liza B. Diño para sa Year of the Pig!
Sinimulan ito noong Linggo (Pebrero 10, 2019 sa SM Aura Samsung Hall) sa pagdaraos ng Film Ambassadors’ Night para parangalan ang filmmakers na nagdala ng mapa ng Pilipinas sa iba’t ibang pagkakataon sa iba’t ibang mga bansa sa sari-saring film festivals noong 2018.
“Sandaan” (One Hundred Years of Philippine Cinema) is FDCP’s first official celebration.
Susundan ito ng Berlinale Native, Pista ng Pelikulang Pilipino 2019, First Cut Lab, Film Industry Conference (FIC), National Registry, at BOOST(Box Offixe Online System amd Tracker).
Ibinahagi na rin ni Chair Liza ang mga inter-agency partnerships na kinabibilangan ng FDA (Food and Drug Administrstion), MTRCB, Optical Media Board and DOLE.
Mayroon ding Animation Support, Film development, Production Support, Distribution and Exhibition, International Relations, Philippine Film export Services Office, at Philippine Film Archive.
Naaalarma na ang lahat sa kinahahantungan ng mga pelikulang hindi na kumikita sa takilya. Mainstream man o indie.
Isang premyadong direktor na ang pumuna rito.
Pero lahat ay gagampanan ng FDCP sa maliit man o malaking paraan.
By the end of the year na ipupursige ni Chair Liza and hubby Ice Seguerra ang plano nilang pagkakaroon ng anak na mula sa Caucasian sperm donor na blue eyes and six feet tall.
Magtulong-tulong sana ang lahat ng nasa industriya at huwag na maging mga utak talangka!
HARD TALK!
ni Pilar Mateo