Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Abusadong Chinese woman ipatapon!

HINDI natin alam kung kanino nanghiram ng ‘tapang ng mukha’ si Chinese woman Jiale Zhang para sabuyan ng taho si PO1 William Cristobal sa Mandaluyong MRT station nitong nakaraang weekend.

Isa tayo sa mga naniniwala na dapat nang ipa-deport si Zhang dahil sa walang kapantay na kabastusan sa ating alagad ng batas.

Kung ‘yung alagad ng batas na naka-uniporme nagawa niyang sabuyan ng taho, paano pa ang pangkaraniwang mamamayan?!

Sabi nga ni PNP chief, Director General Oscar Albayalde dapat kung nandito sila sa ating bansa, irespeto nila ang batas.

Mantakin ninyo si Gen. Albayalde pa ang nakikiusap ngayon ha?!

Kung sa ibang bansa kaya ginawa ‘yan ni Zhang, ano kaya ang nangyari sa kanya?!

O kaya kung isang Filipino ang gumawa nang ganyan sa ibang bansa, ano kaya ang mangyayari sa kanya?!

Tiniyak ni Gen. Albayalde, hindi mag-aatubili ang PNP na ipatupad ang buong puwersa ng batas laban sa mga dayuhan na lumalabag sa mga batas ng Filipinas.

Idinidagdag din niya na ang mga Filipino sa abroad ay sumusunod sa batas sa mga bansang kinaroroonan nila, kaya dapat ito rin ang gawin ng mga dayuhan sa Filipinas.

Saka, isa pa, kahit saang airport sa buong mundo, talagang hindi nagpapadala ng liquid sa loob ng eroplano. Bahagi na ito ng security measures ‘yan.

E lalo na ngayong may banta nga ng mga pagsabog kaya maging sa MRT at LRT ay ipinagbabawal ito.

Sana bukod sa kasong unjust vexation, assault at disobedience to agent of person in authority, e tuluyan nang ipatapon ang isang undesirable alien na gaya ni Zhang.

Paging Immigration Commissioner Bong Morente Sir!

RONNIE DAYAN NASA
MUNTINLUPA POLICE
DETENTION CELL PA
AT PRIBILEHIYADO

Sir Jerry,

Magandang umaga po.

Wala pa po si Ronnie Dayan sa National Bilibid Prison (NBP) kasi po hindi pa siya nasesentensiyahan.

Pero totoo po ang sinasabi ninyo na masyadong ‘matindi’ ang kamandag ng ex-lover ni ex-justice secretary.

Totoo pong napakasarap ng buhay niya sa Muntinlupa police detention sa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kasi nga siya ang testigo laban kay dating justice secretary at ngayon ay senator Leila de Lima.

 ‘Yun po siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit iba ang pagkain niya, may sariling kubol at anytime ay puwedeng gumamit ng cellphone.

‘Yun lang po Sir Jerry, pakitago na lang po ang cellphone number ko.

Thank you po.

  — Name and cp no., withheld upon request

Attention BJMP chief, Director Deogracias Tapayan, Sir!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …