Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
prison rape

14 rape case isinampa vs 18-anyos kelot (13-anyos ilang ulit ginahasa)

SINAMPAHAN ng 14 bilang ng kasong rape at ikinulong ang isang 18-anyos na binatilyo matapos gahasain ang kanyang 13-anyos textmate.

Inaresto ang suspek na sinabing no. 1 most wanted person sa Dupax del Sur, Nueva Vizcaya sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Paul Atolba ng Regional Trial Court Branch 30 sa Bam­bang, Nueva Vizcaya.

Ipinahayag ni C/Insp. Ryan del Malanta, hepe ng Dupax del Sur police station, sinundo ng suspek ang kanyang textmate sa Kayapa, Nueva Vizcaya at dinala sa Banila, Dupax del Sur.

Ayon sa 13-anyos na biktima, hindi siya pinauwi ng suspek sa loob nang isang linggo at ilang ulit siyang ginahasa.

Agad nagsumbong ang dalagita sa kanyang tiyuhin nang siya ay makauwi at sinamahang magtungo sa himpilan ng pulisya saka sinampahan ng kaso ang suspek.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …