Aba, namamayagpag na naman daw ang illegal terminal sa Plaza Lawton.
Kaya ‘yung mga taong dumaraan diyan sa Plaza Lawton ay sikip na sikip na at hilong-hilo dahil balik bantot na naman.
Kasi nga naman, hindi na nila maintindihan kung para kanino ba ang plaza?
Para ba ito sa mga pedestrian o para gawing illegal terminal?!
Kung hindi tayo nagkakamali, inasunto na ang mga barangay official na nagpapabaya sa kanilang nasasakupan at pinamumugaran ng illegal terminal dahil malaking obstruction ‘yan sa paggaan ng trapiko sa Metro Manila.
Pero parang wala lang — pati ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of the Interior and Local Government (DILG), mukhang wala nang ginagawa para walisin ang illegal terminal sa Lawton.
Sa totoo lang, ang mga promotor sa pamamayagpag ng illegal terminal sa Plaza Lawton ay malaking batik sa administrasyon ni Mayor Erap.
Wala silang paki sa reputasyon ng mayor basta’t ang importante tuloy ang kanilang ligaya!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com