Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

May prankisa walang operasyon anyare Mislatel?

PAANO nga namang hindi gigisahin sa Senado ang President and CEO ng Mindanao Islamic Telephone Company (Mislatel) Inc., na si Nicanor Escalante, e saan ka nga namang nakakita na matagal nang nabigyan ng prankisa pero wala pa rin operations?!

Pagkatapos biglang magiging bahagi ng 3rd telco?!

Wattafak!

Ayon sa mga eksperto sa batas, klarong-klaro ang paglabag ng Mislatel. At ayon mismo kay Senator Franklin Drilon, katumbas na umano ‘yan ng revocation o pagpapawalang-bisa ng kanilang prankisa na iginawad ng Kongreso.

Sa pagdinig lumabas na may naging paglabag ang kompanya nina Escalante sa regulasyon ng National Telecommunications Commission (NTC) hinggil sa prankisa.

Kabilang nga sa sinasabing paglabag ang kawalan ng operasyon ng Mislatel simula nang makuha ang prankisa noong 1998 at ang kawalan ng congressional approval sa paglilipat ng kontrol ng kompanya.

Aba, tiradang buy and sell!

E vital industry po ang komunikasyon, kaya hindi puwedeng i-buy and sell nang hindi aprobado ng Kongreso.

Ang siste, pataw-tawa lang daw si Escalante kaya hayun pinagsabihan ni Drilon na seryoso ang usapin sa senado at huwag nang-iinsulto habang nagsasalita ang senador.

Sinisi ni Escalante ang peace and order sa Mindanao kaya hindi sila nakapag-rollout ng operations kaya ang gusto nila ngayon lumipat sa ibang area pero binokya ni Drilon.

Heto pa, three years ago pala nang mailipat ang kontrol ng kompanya pero hindi pa rin kumuha ng congressional approval.

At ang paalala ni Senator Drilon, ang prankisa ng Mislatel ay pribilehiyo lamang at kapag may paglabag maituturing na itong revoked.

Nadamay tuloy si Mr. Dennis Uy ng Udenna at nabulatlat ni Senator Sonny Trillanes na siya ay may malaking campaign contribution sa kandidatura ni Presidente Digong. Eroplano rin niya ang ginamit sa pagparoo’t parito ng ga trusted men ni Tatay Digs sa Davao.

Mga suki, abangan natin ang mga susunod na pagdinig sa Senate Committee on Public Service under the chairmanship of Senator Grace Poe.

BAGONG MUKHA
NG MPD DPIOU
WELCOME
SA MANILEÑO

MARAMING Manileño ang natutuwa dahil sa bagong mukha ng Manila Police Distrcit DPIOU na pinamumunuan ngayon ni Chief Insp. Rex Villareal, of course under the new leadership of MPD director C/Supt. Vicente Danao Jr.

Mabuhay kayo mga Sir, dahil sa loob nang mahabang panahon, nakikita at naririnig na ng mga Manileño na kumikilos ang DPIOU.

At talagang legit ang operations…

Mabuhay po kayo Gen, Danao and Major Villareal.

Gaya nitong isang kaso ng empleyado ng review center na nagpupuslit ng review kits and materials na ibinibenta online, aba mabilis pa sa alas-kuwatro ang aksiyon ng DPIOU.

Makaraang mabisto dahil sa reklamo ng hindi pinangalanang review center sa May­nila.

Kudos DPIOU chief, Major Villareal!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *