BUKOD kay Angel Locsin na matagal na nawala sa teleserye, isa rin si Maricel Soriano dahil nagpahinga. Pero she’s back with a good role as Nanang Belle Sarmineto, ina ni Arjo Atayde.
Ang ganda ng acting na ipinakita ni Marya, mata lang nangungusap na silang tatlo nina Angel at Arjo. Perfect timing din ang pagbabalik na ito ng nag-iisang Diamond Star.
Kuwento rin naman ng lahat na ganadong mag-work ngayon si Marya, katunayan, maaga itong dumarating sa set ayon na rin sa kuwento ni Angel.
Magandang balita ito para sa loyal supporters ni Maricel na matagal na syang inaabangang muling mapanood sa primetme.
Sana tuloy-tuloy na ulit si Marya at sana gumawa rin siya ng pelikula.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan