PATAY ang isang 29-anyos babae nang masunog ang isang condominium sa Binondo, Maynila, kahapon.
Kinilala ang biktimang si Karen Caparas, 29 anyos.
Nailigtas ng mga kagawad ng pamatay sunog ang limang tao na nakulong sa 9/F ng Diamond Tower a Masangkay St., Binondo.
Samantala, isanghotel at 10 barungbarong ang natupok sa magkahiwalay na sunog sa Quezon City kahapon.
Sa ulat ng Quezon City Fire, dakong 2:00 am nang masunog ang Icon Hotel na matatagpuan sa Timog Avenue, Brgy. Sacred Heart, Quezon City.
Sa imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa ika-anim na palapag ng 7F building partikular sa electrical room.
Inaalam ng QC Fire ang pinagmulan ng sunog na umabot sa ikalawang alarma.
Walang naiulat na nasaktan o namatay sa insidente.
Samantala, dakong 12:00 ng tanghali nang sumiklab ang sunog sa squatters area sa likod ng Quezon City Post Office, NIA Road, Brgy, Pinyahan, QC.
Kaugnay nito, 10 pamilya ang nawalan ng tahanan.
Sa ulat, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Jennifer at mabilis na kumalat sa katabing bahay na pawang yari sa kahoy at plywood.
Nahirapan apulahin ang apoy sa nasabing lugar dahil eskinita ang daanan papasok sa lugar mula sa compound ng post office na naideklarang fire out dakong 2:00 pm.
Nadamay sa sunog ang mga nakaparadang sasakyan sa compound ng post office, at ang mga sasakyan na pag-aari ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nakikigamit ng parking area ang PDEA sa post office dahil sa kakapusan ng espasyo sa PDEA compound. Magkatabi lamang ang post office at PDEA.
Ilan sa mga nasunog na sasakyan ang dalawang Toyota Innova, isang Toyota Vios, at dalawang Toyota Hi-Ace.
Walang naiulat na nasaktan sa sunog na naapula dakong 1:05 pm. (BONG SON/ALMAR DANGUILAN)